Ang araling Latino o araling Latina (Ingles: Latino studies) ay isang disiplinang pang-akademiya na nagsasagawa ng pag-aaral sa karanasan ng mga tao mayroong kanunu-nunuan Hispaniko o liping Hispano sa Estados Unidos. Malapit na may kaugnayan sa iba pang mga disiplina ng araling etniko, na katulad ng araling Amerikanong Aprikano, araling Amerikanong Asyano, at araling pangkatutubong Amerikano, ang araling Latino ay masuring nagsisiyasat sa kasaysayan, kultura, politika, mga paksa, at mga karanasan ng mga taong Hispano. Bilang isang larangang naghahango mula sa mga disiplinang katulad ng sosyolohiya, kasaysayan, panitikan, araling panrelihiyon, agham na pampolitika, at araling pangkasarian, ang mga dalubhasa sa araling Latino ay nagsasaalang-alang ng isang kasamu't sarian ng mga pananaw at gumagamit ng iba't ibang mga kasangkapang pangsuri sa kanilang mga gawain.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.